Life in Orange-Tinted Glasses

"accomplished yet human"

March 31, 2009
Galing yan sa “address of thanks” ni Regina Pato, Valedictorian ng AB. Ang astig lang nung line, kasi nandun yung naachieve mo yung kung nasan ka man ngayon, kumbaga narating mo na yung top ng ladder, pero yung isa mong paa nakatapak pa rin sa lupa. Feeling ko nasa peak pa ko ng emotions ko at gusto ko pa munang i-relish ang mga yon kaya hindi pa ko makakasulat nang matino. Pero masaya lang talaga ako kasi pagkatapos ng 16 na taon (whooping 16 years o di ba? Bilang talaga yan. Haha), masasabi ko nang puwede na kong sumabak sa gubat ng totoong mundo, kung san walang exam-exam, walang quiz-quiz, walang masyadong confinement… yung totoong mundo kung saan imamapa mo na ang patutunguhan ng mga pangarap mo, at kung paano ka makakagawa ng difference sa lipunan. Kapag naiisip ko ang mga pagsisikap ng mga magulang ko, sobrang naappreciate ko talaga yun na pati ang mga tubig sa mata ko eh nag-aaccumulate na sa gilid-gilid at malapit nang tumulo. Sobrang pasasalamat ko talaga sa kanila kaya nga yung fruit ng efforts ko eh inaalay ko talaga sa kanila. O diba ako na ang nagmadrama!
 
Sobrang thankful talaga ako dahil naging memorable yung graduation. Lalong naging special dahil nasaayos na yung mga naging misunderstanding, at masaya ako kasi na-keep ko pa din sila bilang mga kaibigan ko. :D Isa pa, hindi ako naiyak! Haha. Goal ko talaga yun eh. Ayoko kasing masira ang make-up ko. Chos! Pero eto talaga, kaya ayoko rin kasi gusto ko yung makikita nila sakin sa moment na yun eh yung ngiti ko kasi yun yung gusto kong ipabaon na imahe ng mukha ko at hindi yung lumuluha. O diba, ako na ang may rationale! :) )
 
Ang saya-saya din kasi nagkita kami ng aking Friendship Drew! Buti na lang sa Sbarro rin sila kumain ni Ali at ng Mama niya after grad. Wee. :D
 
At siyempre… haha. Basta alam na niya yun. *winkadoodle* SOBRANG SALAMAT TALAGA. :D
 
It really pays to take chances. It won’t hurt to take chances. Maybe it will hurt all the more if you won’t.
 
Thank you Lord! You rock talaga! :D
 
***CURRENTLY ON LOOP: Taylor Swift’s “White Horse”
Posted by wenggarooism at 11:48 pm | permalink | Add comment