kabog, kilig, kirot: ang 3K ng pag-ibig ayon kay Ricky Lee
April 21, 2009Paano nga ba na sa limang tao, isa lang ang puwedeng maging masaya, at ang apat ay naiwang devastated sa pag-ibig?
Unang basa ko pa lang ng artikulo tungkol kay Ricky Lee sa Sunday Inquirer ilang buwan na ang nakakalipas, para sa kanyang pagbabalik-eksena sa pagsusulat ng aklat, na-intriga na ko sa “Para kay B”, ang kanyang “comeback book”. Kagaya ng entry ng aking kaibigang si Marice, puno rin ng spoilers ang sa akin, para sa mga hindi pa nakakabasa. Pero sa tingin ko naman kahit na ma-spoil ka ay gugustuhin mo pa ring basahin yung libro dahil mas gugustuhin mong i-experience iyon for yourself. *winkadoodle*
Hindi ko mabilang kung ilang beses akong napahalakhak (na napatingin sa’kin ang nanay at tatay ko, nagtataka kung bakit ako tumatawang mag-isa), napa-awww, muntik mapaluha, napaisip, at napaalala, habang nagbabasa ako. Para kang nagbabasa pero kaharap ang isang telebisyon at kasalukuyang tumatakbo sa screen ang isang pelikula. Kulang na lang popcorn. Napahanga ako ni Ricky Lee dahil isa siyang mapangahas na manunulat. Lumabas siya sa kahon ng mga kumbensyon ng modernong panitikan at gumawa ng sarili niyang mundo kung saan lahat ay puwede mong gawing posible kung matalas ang iyong imahinasyon at mahal mo ang pagsusulat. Astig diba?
Nakakatuwa rin dahil updated siya sa iba’t-ibang terminologies, expressions, at kung ano-ano pang pauso ng henerasyon natin. Maalam sa gay linggo, sa takbo ng lipunan, sa mga issue sa politika at ekonomiya. At kailangan ko talagang i-special mention na naaliw ako nang banggitin niya si Bea Alonzo sa isang kabanata (medyo umasa akong si John Lloyd ay babanggitin din niya).
Form-wise at content-wise, maganda ang libro. Puno ng twists, unpretentious, at straightforward. Memorable ang mga characters, kahit yung hindi mga bida talaga (gaya ni AJ, isa sa pinaka-colorful na character na nabasa ko so far). Malamang alam mo na rin sa sarili mo ang mga bagay tungkol sa pag-ibig na nasa librong ito. Pero yun ang ikinaganda niya. Sasabihin niya ulit sa’yo, at sasabihin niya nang mahusay at maganda.
At dahil tapos na ako sa “review” ng nobela, tutungo na ko sa mas personal na komentaryo.
Sa limang kuwento na inihain sa “Para kay B”, pinakanakarelate talaga ako sa kuwento ni Irene, hindi dahil umibig siya nang di pa niya naiiintidihan kung ano ang pag-ibig, kundi dahil gaya niya, ako rin ay alipin ng mga alaala. Sabi nga sa akda, “mas matinding makaalala ang puso kesa utak”. Ang mga alaalang iyon ang, sabihin na natin, pumigil upang mabuksan niya muli ang puso niyang matagal nang kumakapit nang mahigpit sa apat na salita ng isang binata, sa may tulay, noong siya’y bata-bata pa:
“Paglaki mo, pakakasalan kita”.
Minsan din sa totoong buhay, kakapit tayo sa mga salita ng isang taong mahalaga sa atin. Maaaring isa iyong pangako, maaari rin namang simpleng mensahe, minsan nga parang wala lang eh, random lang, pero dahil nagmamahal tayo (at kadalasan din ay nagpapakatanga at nagpapaka-hopeful), iniisip nating may mas malalim yun na kahulugan, o di kaya naman, may iba pang patutunguhan.
Sa paglipat ko sa isang kabanata patungo sa isa pa, tiningnan ko kung sino ang naging maligaya, at sino ang nasawi. Ayoko kasing maniwala sa quota. Para akong sina Irene, Erica at Bessie na lumabas sa laptop ni Lucas upang mag-protesta tungkol sa kinahinatnan ng kanilang mga istorya. Hindi naman kasi natin kailangan ng statistics sa pag-ibig. Masasawi ang masasawi. Liligaya ang liligaya. Lalaya ang lalaya. At tayo ang gagawa nun. Kahit paano pa nagwakas ang kuwento mo – masaya, masakit, nakakatrauma, nakakakiliti – ang mahalaga ay nagmahal ka. Kung minsan, sapat na ‘yun para maging masaya ka.
Dahil sa iba-ibang istorya, paniguradong makakarelate ka rin sa isa sa mga yun. Mapapaisip at mapapa-survey nang bigla sa pagbanggit sa “3K” ng pag-ibig. Kabog, kilig, kirot; at kung maramdaman sila nang sabay-sabay kaharap ng isang lalaki, babae, bakla, o tomboy, isa na ‘yung sure sign na kaharap mo ang iyong minamahal. Kabog dahil ayaw mong magkamali sa presensya niya, kilig dahil sa presensya niya (ito ang tweetums na bahagi ng pag-ibig), at kirot dahil maaaring ang presensya niyang iyon ay hindi magtatagal (sabi nga sa Ingles at sa kanta ng Maroon 5, “Nothing Lasts Forever”) at kailangan mong maghukay nang malalim sa iyong long-term memory store upang ilagay iyon.
At aminin natin, para rin tayong si Lucas, dahil minsan ay may isang Bessie na hindi natin inaasahang dumating sa buhay natin at binago ito (nang bonggang-bongga). At sa sobrang tindi ng impact niya (parang hurricane, tsunami at wildfire – pero in a good way) ay makakagawa tayo ng isang masterpiece (na hindi naman kailangang libro, puwedeng special cookie, o di kaya garbage art, o infrastructure, o kung anupaman), alay sa isang pag-ibig, alay sa isang alaala.
Hindi man nagkatuluyan sina Lucas at Bessie sa huli, ang mahalaga ay hindi nagtapos ang kanilang kuwento sa wala. Hindi rin nasayang ang pag-ibig niya. Dahil sa huli, ang pagmamahal ni Lucas at ang pagbuhos niya nito sa sining sa pamamagitan ng kanyang akda ang nagbigay sa kanya ng kalayaan. Capital S man siya sa pag-ibig, at least hindi siya naging capital S sa buhay. :)
Gaya ni Lucas, sana balang araw ay makagawa rin ako ng masterpiece para kay B, ang aking OGL (One Great Love).
Previous Comments
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.
Add a comment
Search
Memory Lane
My name is Weng
Most Popular
Count Me In
Plurk
Leave a Trace :)
- tenaj:
. .eeilow ..
- katie:
wengky! naks may blog ka pala! galeng <3
- wenggarooism:
haha talaga ieni? sa LJ kasi comment galore eh no? ohwee nweiz, thankyousomuch sa pagbisita!
kitakits sa LJ. hehe.
- ieni:
Wengkyyyyyyyyyy :p waaaw it’s been a while ng huli akong nagmessage sa isang tagboard! haha!
) anyhoo, nice blog!
- wenggarooism:
I don’t know why I titled my last entry “dumbelina”. maybe I just loved the wordplay?
)
- Weng:
Ei Des! Haha mukha lang akong madaldal!
) Salamats sa pagbisita dito sa blog ko. Miss you!
- des:
hey, girl! you dont talk much so you write lengthily? WEH?? nyahaha. e madaldal ka naman ah? hahaha. miss you!
- Weng:
Salamat sa pagbisita Jenn! Waha eto na ang aking bagong bahay.. thanks sa paglink!
- jenn:
weng!!! me new blog ka na! i’ll link you sa blogspot ko!
- Weng:
Haha yey! At dahil diyan mas kampante akong gamitin yun dahil may basbas mo! Thanks Marice sa pagbisita! Powerhugs!
- Marice:
Wengky na Pooh sounds better than Wenggoy the Pooh. Haha. Sige, Wengky na Pooh na lang!
- support:
Congratulations, you’ve just completed the installation of this shoutbox.
- support:
Hi! Your shoutbox is working fine!




waw. this blog post is sooo good.
Posted by kittiful at December 18, 2009, 7:08 pmsuper nareminisce ko si irene, lucas at yun ibang characters!! at yeah! sana tayo din one day makagawa ng sariling masterpiece.