Life in Orange-Tinted Glasses

dumbelina

May 8, 2009
Sa loob ng isang oras o higit pa, dapat kasama ako ni Mume at ng mga officemates niya na nakasakay na sa bus biyahe papuntang beach, kung san hindi pa natatapos ang school year kating-kati na kong pumunta. Siguro sa loob ng tatlong oras malamang nandun na kami.
 
Pero I can only predict, kasi hindi na ko makakasama. May kailangan kasi akong gawin para dun sa final screening sa show na tinawagan ako kahapon para sa isang interview (na ikinagulat ko talaga ng bonggang-bongga kasi akala ko hindi na nila ako tatawagan). Ngayong araw din kasi ang deadline. Hindi ko rin nagawa kagabi gaya sana ng gusto kong mangyari dahil inantok na ko, gabi na rin kami nakauwi dahil sobrang traffic, pinaluguan pa kami ng ulan.
 
Puwede naman sanang magdala na lang ako ng laptop at gumawa doon, may roaming naman daw ata yung mga kasamahan ni Mume. Meron ding puwedeng magpahiram ng prepaid broadband. Eh kaso naman anong magiging essence nung trip, diba? Hindi ko rin maeenjoy gaya ng gusto ko kasi may iba akong preoccupation. Dapat kung babiyahe ka, iiwanan mo lahat ng trabaho at nandun ka lang para mag-chillax, mag-senti, makipagkulitan, makipagtawanan, kumanta na parang walang ngalangala, mangolekta ng shells, magpabaon sa ilalim ng kabuhanginan, at kung anu-ano pa! :D
 
Kung tutuusin din, puwede naman hindi ko isubmit on time. Mag-aapologize ako. Kahit na maging factor yung pagsubmit ng late sa magiging verdict (kainis yung term! haha!).
 
Pero sa totoo lang, puwede rin namang hindi na ko magpasa. Kasi narealize ko kahapon na hindi ganun yung trabahong gusto ko. Hindi dahil mahirap siya, dahil kung tutuusin kakayanin ko naman yun kahit gano kahirap, basta gusto ko yung ginagawa ko. Eh ito na nga eh, pinararamdam na sakin ng damdamin ko (nyak ang cheesy! haha!) na ayoko talaga, wala kasi akong maramdamang passion towards it. Eh naniniwala ako na para talaga makapagperform ka nang mahusay lalo na sa mga media-related jobs kailangan talagang passionate ka at determinado dahil kung hindi lagi ka lang mafufrustrate at hindi ka rin tatagal sa trabaho mo.
 
Pero gagawin ko pa rin. Kasi nakucurious din ako sa kung anong puwede kong mahanap, kung anong puwede kong matutunan. Gagawin ko ‘to for additional knowledge na rin. Basta ako sa sarili ko paninindigan ko kung saan ko muna gustong magtrabaho sa ngayon. Oo nga’t walang masama kung susubukan mo ang lahat, pero it will always boil down sa tanong na ‘to: gusto mo bang subukan? Kasi yun yung magpapaandar sa’yo.
 
Choosy ba? Sabi nila sa panahon ngayong mahirap maghanap ng trabaho dahil sa maraming rason, tanggapin mo na lang kung ano yung ibibigay sa’yo. Mag-ipon ka, wag tumigil sa paghahanap, hanggang sa mapunta ka sa kung san mo talaga gusto. Pero hindi yun ang prinsipyo ko eh. Gusto ko na gusto ko yung ginagawa ko. Kasi naniniwala ako na mas magiging beneficial yun sa’kin, sa mga katrabaho ko, sa mga mahal ko sa buhay, at sa pinagseserbisyuhan nung pinagtatrabahuhan ko kung yung mga empleyado nila passionate sa ginagawa nila.
 
Kung meron man akong natutunan sa challenge na kinakaharap ko ngayon, yun eh yung malaman ko sa sarili ko kung ano yung hindi ko gustong pasukan (for now, hehe malay naman natin in the future diba?), minsan din mapapaisip ka sa sinasabi nang ibang tao, pero at the end of the day, kaninong kaligayahan ba yung siniseek mo diba? Hindi naman sa kanila eh, kundi sa’yo. Mas madaling ipaglaban yung pinaniniwalaan mo kesa sa hindi.
 
Sabi ni Mume may iba pa namang opportunity para mag-beach, at siguradong may plano si God. (Lordskie, si David Archuleta! Hahahaha!)  Sobrang thankful talaga ako sa mga magulang ko, kasi naiiintidihan nila ako.
 
Post-Note: Waha ang emo ng entry na ‘to, hehe, ganun talaga, kahit yung mga masayahing tao napapa-emo rin. Tapos magiging happy na ulit, kasi nilabas mo na yung ka-emohan mo. Oh diba? :) )
Posted by wenggarooism at 8:07 am | permalink

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment