Life in Orange-Tinted Glasses

kilig

May 27, 2009

Saan ba madalas inaassociate ang “kilig”? Diba kapag nakita mo yung crush mo, o di kaya yung mahal mo, kapag nanonood ka ng isang cheesy, romantic movie, o di kaya isang kabog na kabog na parang nanghaharanang love song? Dati akala ko hanggang dun lang, pero lately narealize ko na hindi pala!

Puwede ka rin namang kiligin sa presence ng kaibigan, ng mga magulang, o di kaya kapag may nakakatuwang nangyari sa’yo. In short, hindi siya limitado sa mga bagay na may kinalaman lang sa love o attraction. Ako kung minsan kinikilig ako kapag may masarap akong kinakain, gaya ng pizza o di kaya umiinom nung paborito kong shake sa Fruitas. Sa tingin ko yung “kilig” puwedeng maramdaman basta nandun ka sa state na napaka-pleasant nung nararamdaman mo.

Ang babaw ba? Haha. Wala lang, kinilig ako nung na-realize ko ‘to eh. :)

Posted by wenggarooism at 6:29 pm | permalink

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment