Life in Orange-Tinted Glasses

research gaps and parents’ love letter

July 7, 2009

If you have alarm clocks - whether from your cellphone or your classic alarm clocks, or gazillion door knocks coupled with “Gumising ka na, tanghali na!” (hopefully loving) screams as your wake-uppers for the brand new day, today I had hammering plywoods and screeching roofs dragging me out of Dream Land (too bad there were many celebrities in my dream last night! Bitin tuloy, hehe). So as I am typing this, I can feel the struggle of my eyelids. Haha.

But my mind is awake. While I was fixing my bed I thought about this:

We people are like theses. We have respective research gaps to fill - that is, a personal legend to fulfill.

Oh my, don’t I miss school? Haha.

* * * * *

I wanna share this essay I read from my friend Myx’s Tumblr. It’s a very touching, moving piece. Awakened my sleepy eyelids and released a steady flow of salty liquid called tears. 

 

SULAT NI NANAY AT TATAY

 

Sa aming pagtanda, unawain at pagpasensyahan mo sana kami, anak. Kung makatapon kami ng sabaw sa hapag kainan o kaya ay makabasag ng pinggan, ‘wag mo naman sana kaming kagagalitan.  Dala lang yun ng kalabuan ng mata at ng namamanhid naming mga daliri. Pinagalitan ka man sa mga baso’t pinggang iyong nabasag noong bata ka pa, Iyon ay dahil ayaw naming masugatan ka.

Kung ang mga sinasabi mo’y ‘di maintindihan at madinig, ‘wag mo naman sana kaming sabihan ng “Bingi!” Humihina na talaga ang aming pandinig. Pakiulit lang nang malakas-lakas na ‘di naman kailangang sigawan upang tayo ay magkaunawaan.

Kung mabagal na kaming maglakad at ‘di na makasabay sa mabilis mong paglakad, pakiantay sana at alalayan-mahihina na ang aming mga tuhod. Alalay na tulad sana nung musmos ka pa at nag-aaral ka pa lang maglakad. Tuwang tuwa ka naming pinagmamasdan.

Kung minsang makulit at paulit ulit ang aming sinasabi na parang sirang plaka, ‘wag mo sana kaming pagtawanan o kainisan. Ganyan ka rin kakulit noong bata ka pa at nag-iiiyak pa - Kapag nagpapabili ng kung anu ano’y di kami tinitigilan hangggang ang gusto mo’y di naibibigay.

Kung kinatatamaran namin na maligo at nag-aamoy lupa na, ‘wag naman sana kaming pandirihan at piliting maligo. Mahina na kasi ang aming katawan pag nalalamigan. Natatandaan mo ba noong bata ka pa at kahit anung dungis mo ay masayang-masaya ka naming hinahalikan  at mat’yagang hinahabol sa ilalim ng kama upang paliguan?

Kung palagi kaming masungit at nagsisisigaw, dala na siguro ito ng pagkabagot sa bahay at pagkadismaya na wala nang magawa at wala nang silbi. Ipadama mo naman sana na may halaga pa rin kami sa mundo mo, katulad ng pagpapadama namin noon ng pagpapahalaga at pagtutuwid sa kamalian at katigasan ng iyong ulo.

Kung may konti ka mang panahon mag kwentuhan naman sana tayo…Alam kong abala ka sa hanapbuhay, pero sabik na kaming makausap ka. Gusto kong malaman mo na interesado pa rin kami sa mga kwento mo. Tulad n’ung pagbibida mo sa eskwela noong bata ka pa. Na kahit pautal utal pa ang salita mo, nakikinig kaming masaya tungkol sa iyong mga laruan.

Kung kami man ay maihi o madumi sa higaaan dahil hindi na makabangon, ‘wag mo sanang pagagalitan o pandididrihan. Katulad ng walang reklamo naming paggising nang kahit anong pagod sa gabi upang linisin at palitan ang iyong lampin para maginhawa kang makatulog. Hindi na baling kami ang mapuyat.

Kung kami’y maratay sa banig ng karamdaman, ‘wag mo sana kaming pagsawaang alagaan, gaya ng mat’yaga naming pag-aalaga noong musmos ka pa. Bawat daing mo noon ay hirap na dinadala sa aming kalooban. Pagt’yagaan mo naman sana kaming alagaan sa aming mga huling sandali…Kami naman ay di na rin magtatagal.

At kapag dumating na ang takdang panahon ng aming pagharap sa Dakilang Lumikha, ibubulong at hihilingin ko sa Kanya na pagpalain ka dahil naging mapagmahal at maalaga kang anak sa iyong ama’t ina.

 

Everyday I do my best to be a good and loving daughter to my parents. I admit I’m not a perfect lover and daughter to them, but I love them at my very best. :)

Posted by wenggarooism at 10:27 am | permalink | Add comment