the pilgrimage to Cory Aquino
August 5, 2009
What do I care about EDSA and Ninoy and Cory and the song “Magkaisa” and Martial Law, I was born after it? I say that I believe that if it weren’t for the events that took place more than two decades ago my fellow youth and I wouldn’t be able to enjoy the freedom, the movement for individual and expression, and that we can go out the streets with the assurance that we can.
When I turned on the television last August 3 and saw the sea of people in Ayala Avenue waiting for Cory Aquno’s convoy, I wanted to go there. I wanted to be part of a crowd made of people from all walks of life who paid respect to an inspirational icon. But it was over before I could reach there. Good thing my Mume told me that government employees were allowed to go to Manila Cathedral during office hours. So I told her, “Mu, punta tayong Manila Cathedral, gusto ko pong makita si Cory”. Later in the afternoon I learned that my Pupi signed up to go there. Hooray, the Sanchez family shall invade the Cathedral the next day. Haha.
We arrived in Intramuros at 2 o’clock in the afternoon of August 4, yesterday, together with their other officemates. “Mukhang maikli lang ang pila ah”, Pupi thought. We excitedly joined the bunch of people walking towards the end of the line. If Dory says “Keep swimming, keep swimming” to Nemo, we kept saying, “Keep walking, keep walking”, to ourselves. And we “keep hoping, keep hoping” that we’ll reach the end of the line. But we went pass through San Agustin Church, way pass NCCA, then pass PLM – where I remembered Frenk because he’s studying there and Pupi kidded me to txt him to buy me snacks there LOL, it seemed never-ending like a tunnel except that you’re not looking for the light at the end of it but that person everyone walking/running like you were coveting to follow.
Until we reached Fort Santiago… Fort Santiago, man! And there was the last person in line. We let out a big sigh of joyful relief. It took us 30 minutes to reach the end of the line. Wooh.
That 30 minutes stretched into a long 8 hours of patiently waiting and standing in line. We didn’t expect to wait that long because we didn’t know that the necrological service would take place at 4PM to be followed by a High Mass. Pero sabi ko, andun na rin naman, bakit ka pa gi-give up? Kung yung pinunta mo dun ay para makita si Cory then you should stick to it. That’s what’s on my mind. And we did. The journey of those 8 long hours was sweet, funny, himalang di masyadong nakakagutom (knowing me and my metabolism) pero nakakauhaw at nakakaihi LOL, nakakainis, at nakakaloka dahil sa bad case of bipolar attack of the weather. That’s why I want to call it a pilgrimage and an adventure. Cory is too kind she’s almost holy. :D
HIGHLIGHTS (naks may ganun talaga. Most of this would be written in my vernacular para mas feel):
* Yung kuya na nag-o-offer ng CR nila for P3. “Halika na kayo!”, tawag siya ng tawag, lumalabas na yung mga litid niya sige pa rin. Sorry naman at ako na ang na-entertain sa kanyang mga bulging litid. Hehe.
* Yung mga kasabayan namin sa pila na mga estudyante (ehemm na-miss ko raw ang school), naulinigan ko yung ilang napag-usapan nila. Yung isang girl, sabi niya, “Pumunta raw sina Kim at Gerald” and she was saying something like too bad she didn’t get to see them. Tapos yung isa naman, nag-survey sa mga kaklase niya, “Pano pag si GMA ang namatay?” (aba’t napaka-futuristic ng batang ito, ano? Hehe) “Ay di ako pipila nang ganito”, her classmate responded.
* Nung umabot na kami sa Victoria, yung street kung nasaan yung NYK-Fil, isang shipping management company (o diba inalam ko talaga), nakita namin na may pila na rin dun, which meant na umikot na ulit yung pila at malapit nang magmeet yung gitna at dulo. Kami na ang na-amaze.
* Nakalimutan ni Mume na magdala ng tsinelas at siya na ang naka-heels all along, kaya sinabi ko sa kanya na magpalit na lang muna kami habang pinagpapahinga niya ang kanyang mga paa sa aking flat shoes. Those times na suot ko yung sapatos niya, thankfully, dun ko naalalang mag-straight body. Hahaha. Ohwee.
* Sa gitna ng pila dumadaan ang mga nagtitinda at namimigay. Nagtitinda included tindero at tindera ng mga Cory pins, Cory shirts, Cory ribbons, Cory bracelets, Cory umbrellas, at kung anu-ano pang in memory of Tita Cory. Siyempre hindi mawawala ang mga nagtitinda ng balot, penoy, kropek, taho, mani, kasoy, at kung anu-ano pang pantawid. Pinagkaguluhan of all ang mga “Absolute Boys” – ako lang nag-coin niyan LOL – mga kuyang namimigay ng libreng Absolute mineral water para sa amin sa pila. Ayihee ang sweet ng Absolute. At dahil nga “the best things in life are freebies”, pinagkaguluhan. Ako nakigulo lang ako para makapagpicture. Photo op much? LOL.
* Nung malapit na kami sa may San Agustin Church (which meant nangangalahati na!), niyaya ko si Pupi na mag-drop by sa loob. Hindi pa kasi ako nakakapunta dun. Ako na ang na-amaze sa ceiling na may intricate paintings at dun sa mga antigong retablo ng mga santo na may mga bato-batong napaka-intricate ng pagkakagawa. At gaya ng lahat ng naging first time ko sa mga simbahang napuntahan ko, nag-wish ako. Buti naman this time mas matino na yung wish ko. Haha.
* Sa tapat ng San Agustin Church ay may isang “Casa Monja” something (na-memory gap ako sa full name) at may nagbabantay na isang kuya Guardia Civil. Nakakatuwa yung mga ilang nanay na nakapila ay nagpapicture kasama siya! Siya na ang heartthrob. LOL.
* Sarado na ang mga restrooms sa mga malalapit na establishments kaya sinamahan ako ni Pupi sa CBCP kasi sabi nung isa sa mga kuya guard ay meron dun. Pagdating naman namin dun sabi sa’min ay “open” daw yung CR nila dun. Hala, eh how open is open? Hehe, kaya ayun nagpunta nalang kami sa WOW ni Pupi upon Kuya Guard’s suggestion. Turned out, yung WOW pala na sinasabi ay ang Clamshell! Clamshell, man! Nostalgic kasi nagperform kaming mga taga-Teatrong Walang Pangalan dun tungkol sa kasaysayan ng Caloocan. Wah. Nadaanan namin yung stage at backstage at naalala ko at sinabi kay Pupi na dun sa side na yun kami nakapuwesto nun bago mag-umpisa yung play. Hayayay. High School Memories. J Dami ring mga tinda, pero kumusta naman di sila nagtitinda ng per kilong kasoy kundi per baso lang tapos whooping P80?! Oh man.
* Pagbalik namin galing Clamshell pumasok kami dun sa isa sa mga open space papasok sa pila (lulusot ka lang sa lubid). Tapos biglang may mga nag-react na tao, “Uy walang sisingit!” Sabi ko, “nandun po yung mga kasama namin, dun po kami nakapila (pointing as far as I can), hindi po namin kayo lalamangan, magkakababayan po tayo eh”. Natawa na lang sila.
* Nakailang ulan at ambon din ang pinagdaanan namin. Grabe yung pinakamalakas ay yung dun sa may bandang San Agustin Church pa rin. As in bumuhos ng tuluy-tuloy, ang lakas pati nung hangin, naghiwa-hiwalay kami nina Mu at Pu sa pila kasi nagkakabasaan na kami dahil sa mga payong. At dun na nag-umpisang gumulo nang bonggang-bongga yung pila.
* Nagdikit-dikit na yung mga tao, yung mga katabi ko kanina lang biglang nag-iba, yung mga nasa likod napunta sa harap tapos yung ibang out-of-nowhere parang kabuteng sumulpot na lang. Kaya sinabihan namin sila na hindi doon ang pila. Hindi sila natitinag. Dun na raw sila kanina pa. Hindi rin sila natinag sa mga “Ayaw ni Cory ng ganyan”, “Magkakababayan tayo”, “Nagtiyaga kaming pumila rito” na parinig. Sa kalye sa gilid namin may mga ilang pulis na nakatayo. So naisip ko, what if lapitan namin sila para magpatulong na ayusin yung pila. Sabi ni Pupi ewan lang daw niya kung respondehan talaga kami, tapos tinanong ko siya, “Hindi po ba yun parte ng trabaho nila? Ano po bang trabaho nila?” “Peace and order”, sabi niya. “Ayun pala eh! We’re so not in order right now!” O ako na ang nag-rant at natawa yung katabi ko. Hehe. Si Mume ang lumapit at kinausap yung mga pulis nang unti-unting gumalaw ang pila. Eventually narinig din ang aming daing at may dumating na mga bagong pulis at unti-unti nang umayos ang pila, mula sa hindi mo mabilang kung ilan dahil para na kaming karayom, naging dalawa na lang. Sa wakas.
Sinabihan kami nung mga pulis na, “O, walang magpapasingit ah. Tingnan niyo yang mga katabi niyo”.
PILA BLUES
Here I present the different styles of paniningit (LOL):
1. Pasimpleng lalapit/tatabi sa’yo. Kapag medyo nakahalata ka na at tatanungin mo siyang, “Ate saan ka nakapila?”, magpapacute at sasabihing, “Dito na lang ako”. Ay isumbong na.
2. Mage-excuse lang sa’yo, tapos tatabi. Magse-cellphone kuno kala mo may kausap tapos hindi na aalis. Ay isumbong na.
3. Tatabihan ka. Pag tinanong mo, sasabihin sa’yo, “Kanina pa kong alas-dose rito, di ko makita yung mga kasama ko”. Ay isumbong na.
4. May ibang mananamantala pag medyo nagkaron ng commotion dahil may namimigay ng libreng diyaryo, kinausap nalang namin ng maayos.
In fairness naman yung iba matinong kausap at naiintindihan naman kami, pero yung iba talaga matigas ang ulo at kailangan pang sabihin sa pulis. Nakakainis lang kasi nagpunta tayo dun para magbigay-galang sa isang mabuti at matapat na tao kaya sana man lang i-embody natin yun sa mga sarili natin. Yun bang wag nating gayahin yung iba na ginagamit yung kapangyarihan o oportunidad para manlamang ng kapwa. On a lighter note, nakakatawa kasi yung mga sumisingit kung hindi nasa grupo namin dun naman sa kabilang side, tapos yung mga taong kalapit namin sa mga ka-officemate nila Mu nagsusumbong. Nadama siguro nila ang DSWD vibes nila.
15 SECONDS OF FAME
Eto laughtrip naman. Dumating yung isang reporter na taga-GMA 7. Mume and her officemates kept on guessing and guessing who he is hanggang sa yung isa sa kanila naalala na: si Cesar Apolinar pala yun. Hala tumapat sa’min yung cameraman at inilawan na yung camera at kinuhanan kami. Todo kaway yung mga ka-officemate nina Mu. Ako, kunwari shy LOL, tingin-tingin lang. Tiyaka hindi rin ako makikita kasi tinakpan ako nung mga bigla na lang pumunta sa harap ng camera at kumaway. O sila na ang nag-crave sa kanilang 15 seconds of fame. Mukha ngang inabangan pa nila yung pangalawang beses na magset-up eh. Eh kaso lumipat na. Hehehe. Sabi ni Pupi, “Okey lang yan kahit di ka nakita sa TV”, “Oo naman Pupi okey lang yun, balang araw ako na ang mag-iinvade sa buong frame.” LOL.
PEOPLE’S COMMENTS
Sa tagal sa pila di maiiwasang mag-comment yung mga tao na “ang tagal”, “sana naman umandar na yung pila”, “kanina pa kami dito”, “grabe naman ‘to for nationalism!”, ako rin napasabi ako na sana di nalang muna nag-service at mass. Pero na-enlighten ako sa sinabi ni Pupi: It’s still a private affair kahit na public figure si Cory. Siyempre yung mga kapamilya niya gusto siyang makasama for the last time. Hindi rin naman nila kami nirequire na pumunta dun, although siyempre surely naappreciate naman nila yung ginawa namin. Oo nga naman, choice namin yun and it entailed sacrifice on our part. Siguro yun na yung munting magagawa namin para sa lahat ng nagawa niya para sa bansa.
THAT FAMILIAR SMILE
Excited ako nung papasok na kami sa loob ng Cathedral. Sinubukan ko nga ring mag-strategize kung pano ako makakapag-picture eh. Kaso nung nasa loob na kami at nilabas ko na camera ko sinaway ako nung isa sa mga guwardiya. Di na rin ako nagpumilit, baka pa makumpiska cam ko. Hehe.
Mabilis man ang pacing ng pagsilip feeling ko slow-mo ang naging paglakad ko papunta sa coffin niya. Nang makita ko, hinanap ko agad yung mukhang pamilyar sakin, yung nakikita ko sa TV at diyaryo, pero for some reason nawala yung familiarity sa face, except sa lips, and I can really say na nakangiti siya.
SPOTTED
* Mga taga-USTe! Yung UST bus nakita ko, nakita yung kuya na nagdrive sa’min nung Retreat. Hehe.Sayang wala akong kakilala sa mga students. Si Kuya Pipoy lang sa EdTech, kaso di niya ko nakita, tuloy-tuloy din kasi yung lakad nila eh. May mga students din sa Chowking, kung san kami sumilong at kumain ng aming first decent meal after 8 hours of only Sky Flakes, Quaker Oat Cookies, Lush, Sugus at Absolute Mineral Water.
* Sa Manila Cathedral: sina Ginger Conejero (tama ba spelling ko?) at Cory Vidanes. Sayang mag-o-audition na sana ako. Hehe.
FINAL NOTES
Sa totoo lang hindi ako napagod. Tulad din nung mga sinabi ng mga college students (ako na naman ang feeling estudyante pang-ilan na ‘to LOL) kay Kris Aquino, ito, bilang isang Post-EDSA baby, ang magagawa ko para makapagpasalamat sa mga malalaking naiambag ng ina niyang si Cory Aquino para sa bansa at para sa mga Pilipino, at para rin ipahayag yung paghanga namin sa kanya at yung pagbibigay na rin ng assurance na gagawin ko yung best ko para maging mabuti at kapaki-pakinabang akong mamamayan, na kung anuman yung mga talentong binigay sakin ni God gagamitin ko sa mabuti, at yung mga tinuro sa’kin ng mga magulang ko at mga guro ko patuloy kong isasabuhay.
Hindi naman mahirap mahalin at hangaan ang gaya ni Cory dahil mabuti siya at matapat. Simple lang din siya mamuhay. Kaya sobrang na-attach sa kanya tayong mga Pilipino kasi she’s very righteous and simple, which is rare these days dahil na rin sa proliferation ng mga taong hindi ginagamit sa kabutihan ang kapangyarihan at mas inuuna ang sarili bago ang bayan, which is wrong dahil opisyal sila eh, tungkulin nila tayong paglingkuran. Now we are hungry for that kind of leader. And hopefully we are hopeful that we will find another one like her.
Sana talaga lahat tayo ma-inspire sa kanya na maniwala sa bawat isa, magpahalaga, magbigay ng respeto at maging matapat. Mga Pilipino tayo… MAGKAKABABAYAN.
Salamat, President Cory. You Rock!
Previous Comments
‘liked this, weng…
Posted by rnld4noles at August 5, 2009, 9:12 pm@ieni: hi ieni! honga sa tinatagal-tagal nito… charot!
) honga eh grabe sa Word ko unang tinype… 5 pages! ohyeah sobrang worth it kasi iba talaga yung experience pag nandun ka with all these people. in our little ways parte na tayo ng importanteng event na ‘to sa history! thanks ieni!
@rnld4noles: Sir! Salamat po!
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.
Add a comment
Search
Memory Lane
My name is Weng
Most Popular
Count Me In
Plurk
Leave a Trace :)
- tenaj:
. .eeilow ..
- katie:
wengky! naks may blog ka pala! galeng <3
- wenggarooism:
haha talaga ieni? sa LJ kasi comment galore eh no? ohwee nweiz, thankyousomuch sa pagbisita!
kitakits sa LJ. hehe.
- ieni:
Wengkyyyyyyyyyy :p waaaw it’s been a while ng huli akong nagmessage sa isang tagboard! haha!
) anyhoo, nice blog!
- wenggarooism:
I don’t know why I titled my last entry “dumbelina”. maybe I just loved the wordplay?
)
- Weng:
Ei Des! Haha mukha lang akong madaldal!
) Salamats sa pagbisita dito sa blog ko. Miss you!
- des:
hey, girl! you dont talk much so you write lengthily? WEH?? nyahaha. e madaldal ka naman ah? hahaha. miss you!
- Weng:
Salamat sa pagbisita Jenn! Waha eto na ang aking bagong bahay.. thanks sa paglink!
- jenn:
weng!!! me new blog ka na! i’ll link you sa blogspot ko!
- Weng:
Haha yey! At dahil diyan mas kampante akong gamitin yun dahil may basbas mo! Thanks Marice sa pagbisita! Powerhugs!
- Marice:
Wengky na Pooh sounds better than Wenggoy the Pooh. Haha. Sige, Wengky na Pooh na lang!
- support:
Congratulations, you’ve just completed the installation of this shoutbox.
- support:
Hi! Your shoutbox is working fine!




Wengky! At shempre ngayon pa lang ako magpaparamdam dito sa blog mo na ito. Lol.
Anyhoo na-entertain ako dito sa post mo, a. Haha :p Ang habaaa. Grabe yung experience nyo. At 8hours! Pero I know twas so worth it naman. Sana ako rin nakapunta!
Amp.
Magko-quote sana ko ng lines na napa-”my thoughts exactly!” ako, kaso ang dami. Nyahahaha XD
Posted by ieni at August 5, 2009, 8:48 pm